1
00:00:06,040 --> 00:00:09,880
ISANG SERIES MULA SA NETFLIX

2
00:00:39,800 --> 00:00:41,520
Nathan Byrne!

3
00:00:42,040 --> 00:00:44,120
-Ito ang Fairborn Council!
-Nathan!

4
00:00:44,200 --> 00:00:47,880
Napapaligiran ka!
Lumabas kang nakataas ang mga kamay mo!

5
00:01:03,960 --> 00:01:05,840
Isa kang Blood Witch, Nathan.

6
00:01:05,920 --> 00:01:07,440
Mula sa mga batas dito,

7
00:01:07,520 --> 00:01:10,120
'di ka pinapayagang manirahan
sa teritoryo ng Britanya.

8
00:01:10,200 --> 00:01:12,920
Ganu'n, ano'ng sinasabi mo?
Papatayin mo s'ya?

9
00:01:16,120 --> 00:01:17,040
Hindi.

10
00:01:18,240 --> 00:01:20,880
Ang kakayahan ng pamilya ko'y pangitain.

11
00:01:20,960 --> 00:01:24,680
Ang nanay ko'y propeta
at mas makapangyarihan kaysa sa'kin.

12
00:01:24,760 --> 00:01:27,080
May sinulat s'ya sa kanya kagabi.

13
00:01:27,680 --> 00:01:29,600
Mismong gabi na ipinanganak ka.

14
00:01:30,680 --> 00:01:33,400
"Sarili n'yang dugo ang papatay sa lobo."

15
00:01:33,480 --> 00:01:34,640
Isang propesiya.

16
00:01:36,720 --> 00:01:39,880
Kaya, hindi. 'Di kita papatayin, Nathan.

17
00:01:43,760 --> 00:01:45,680
Sasanayin na kita

18
00:01:46,480 --> 00:01:49,360
dahil naniniwala akong
nakatadhanang kalabanin mo ang ama mo.

19
00:01:55,760 --> 00:01:57,040
Paano kung ayaw ko?

20
00:02:00,960 --> 00:02:03,360
Kahibangan 'to!
'Di n'yo s'ya pwedeng kunin,

21
00:02:03,440 --> 00:02:06,240
16 lang s'ya. Dito s'ya dapat kasama ko.

22
00:02:06,320 --> 00:02:08,160
Ayos lang, Lola. Babalik ako. Pangako.

23
00:02:08,240 --> 00:02:09,520
Pakisabi ito kay Annalise.

24
00:02:09,600 --> 00:02:12,600
Tingin ko, mabuti nang 'wag na madamay
ang anak ko rito.

25
00:02:12,680 --> 00:02:14,080
Ayos, mabuti. Tara na.

26
00:02:15,040 --> 00:02:16,160
Maayos.

27
00:02:30,120 --> 00:02:32,000
Sinanay tayo
na patayin ang Blood Witches.

28
00:02:32,680 --> 00:02:33,720
Pero ikaw…

29
00:02:35,080 --> 00:02:38,000
Gusto nilang dalhin ka sa hilaga,
panatilihin kang ligtas.

30
00:02:38,960 --> 00:02:40,000
At gagawin namin.

31
00:02:41,640 --> 00:02:42,600
Pagtapos nito.

32
00:02:43,680 --> 00:02:45,560
-Tama, rito.
-Tama, tara na.

33
00:02:53,280 --> 00:02:56,640
Babalikan namin ang tatay mo balang araw
pero ayos na muna 'to ngayon.

34
00:03:02,600 --> 00:03:03,920
Halika na!

35
00:03:12,720 --> 00:03:13,960
Ikaw muna. 'di ba?

36
00:03:32,320 --> 00:03:33,520
Blood Witch.

37
00:05:10,000 --> 00:05:12,600
Mayroon bang parang Wi-Fi password
o anuman?

38
00:05:13,360 --> 00:05:14,200
Wala.

39
00:05:16,760 --> 00:05:17,800
Aba!

40
00:05:19,520 --> 00:05:21,520
Ang baho.

41
00:05:26,960 --> 00:05:28,680
Ano talaga ang ginagawa natin dito?

42
00:05:28,760 --> 00:05:31,320
Sasanayin kitang labanan ang tatay mo.

43
00:05:32,440 --> 00:05:36,080
'Di ako umaasa na kung makita mo s'ya,

44
00:05:36,840 --> 00:05:39,920
maililigtas ka ng pagsasanay ko
nang matagal pero 'yun ang utos

45
00:05:40,000 --> 00:05:41,760
kaya 'yun ang gagawin ko,

46
00:05:42,240 --> 00:05:45,280
at susunod ka dahil kung hindi,

47
00:05:46,000 --> 00:05:49,320
isa ka lang ding Blood Witch
sa bayan na ayaw sa'yo.

48
00:05:49,920 --> 00:05:51,440
Hindi ako Blood Witch.

49
00:05:52,360 --> 00:05:53,640
Bwisit ka. Hindi nga.

50
00:05:53,720 --> 00:05:55,640
E, ano ka pala, Nathan?

51
00:05:59,280 --> 00:06:00,280
'Di ko alam.

52
00:06:02,760 --> 00:06:05,520
Buweno, malalaman din natin.

53
00:06:09,160 --> 00:06:10,280
Saan ang kwarto ko?

54
00:06:13,160 --> 00:06:15,720
-Nagbibiro ka?
-Maliit ang kubo para sa'tin.

55
00:06:15,800 --> 00:06:17,000
Walang biro. Ang laki mo.

56
00:06:17,080 --> 00:06:19,000
'Di 'to holiday camp. Magpakatatag ka.

57
00:06:19,080 --> 00:06:21,320
'Di pa ako nakapunta sa holiday camp.

58
00:06:21,400 --> 00:06:23,040
'Di mo malalaman ang nawawala sa'yo.

59
00:06:23,120 --> 00:06:26,320
Ihagis mo ang gamit mo.
Magsisimula na ang pagsasanay.

60
00:06:30,400 --> 00:06:33,000
Sampung buwan
hanggang makuha mo ang kapangyarihan mo.

61
00:06:33,080 --> 00:06:36,600
Pagtapos, nasa iyo na
ang kaisipan at katawan mo,

62
00:06:37,200 --> 00:06:39,600
pwede nating gawin
ang mga 'to na sandata.

63
00:06:39,680 --> 00:06:40,840
Kaya ko nang lumaban.

64
00:06:40,920 --> 00:06:42,040
E, kamusta ka kanina?

65
00:06:42,120 --> 00:06:43,680
Iba 'yun. Mas marami sila.

66
00:06:43,760 --> 00:06:46,400
Mananalo ka lang sa patas?
Walang kwenta 'yan.

67
00:06:46,480 --> 00:06:48,480
Walang makakatalo sa walo nang mag-isa.

68
00:06:48,560 --> 00:06:51,760
Walang lumaban na nabuhay sa ama mo.

69
00:06:51,840 --> 00:06:54,880
Ang layunin dito
ay gawing posible ang imposible.

70
00:06:56,800 --> 00:07:00,640
Uy, kung tuturuan mo akong talunin
ang walong gagong gaya mo,

71
00:07:01,120 --> 00:07:02,080
makikinig ako.

72
00:07:02,160 --> 00:07:05,200
Tingnan natin kung paano ka lalaban
sa isa ngayon.

73
00:07:15,880 --> 00:07:17,360
Ang pangit ng paraan mo.

74
00:07:17,440 --> 00:07:18,480
Bwisit.

75
00:07:22,040 --> 00:07:23,920
Isip at katawan, Nathan Byrne.

76
00:07:25,840 --> 00:07:26,840
Isip at katawan.

77
00:07:32,520 --> 00:07:34,080
Kamusta ang pagsasanay?

78
00:07:34,760 --> 00:07:36,440
Inaalagaan ka ba ni Kieran?

79
00:07:36,520 --> 00:07:38,840
Oo, mabait s'ya sa akin.

80
00:07:40,360 --> 00:07:42,880
Ang hirap ng programa.
Pinapahirapan kami.

81
00:07:42,960 --> 00:07:44,200
Oo nga.

82
00:07:45,960 --> 00:07:48,080
Kamusta ang pagtrato ng ibang kadete?

83
00:07:50,040 --> 00:07:51,760
May ilang mga komento.

84
00:07:53,600 --> 00:07:55,440
Ang ugnayan ko kay Nathan at--

85
00:07:55,520 --> 00:07:56,680
At kay Marcus.

86
00:07:59,840 --> 00:08:00,680
Oo.

87
00:08:00,760 --> 00:08:02,280
'Di mo 'yon mapipigilan.

88
00:08:02,360 --> 00:08:04,200
'Di, pero pasanin ko na rin.

89
00:08:04,280 --> 00:08:07,360
Buweno, lahat tayo ay may mga pasanin.

90
00:08:07,440 --> 00:08:08,760
Hindi ganito.

91
00:08:16,240 --> 00:08:20,440
Isa ako sa mga nag-arkitekto
ng usapang pangkapayapaan.

92
00:08:21,200 --> 00:08:24,520
Baka narinig mo na
ang mas karaniwang tawag,

93
00:08:24,600 --> 00:08:26,160
ang Peace Massacre.

94
00:08:27,320 --> 00:08:31,120
Maraming nag-aalinlangan sa pagpupulong
sa mga Bloods para sa kasunduan.

95
00:08:31,200 --> 00:08:34,040
Akala ko,
may magagawa kaming kahanga-hanga.

96
00:08:35,960 --> 00:08:38,320
Akala ko, kaya naming baguhin ang mundo.

97
00:08:39,120 --> 00:08:41,880
Pero may ibang ideya si Marcus Edge.

98
00:08:43,800 --> 00:08:45,760
'Di ko naisip. Pasens'ya na.

99
00:08:45,840 --> 00:08:49,120
Anumang kabutihan ang gawin ko,
anumang matamo,

100
00:08:50,400 --> 00:08:54,360
laging ako ang lalaking
nag-imbita ng lobo sa tahanan natin.

101
00:08:55,680 --> 00:08:59,400
Isa kang kadete sa armed wing
ng Fairborn Council.

102
00:08:59,480 --> 00:09:01,960
Kung nahihirapan ka dahil sa nakaraan,

103
00:09:03,000 --> 00:09:04,120
alisin mo.

104
00:09:05,600 --> 00:09:10,400
Ito na ang oras para matukoy mo
kung sino ka talaga.

105
00:09:19,280 --> 00:09:20,920
Sandali, Nuno!

106
00:09:21,440 --> 00:09:24,200
Layunin ng pagsasanay
na hasain ang kakayahan,

107
00:09:24,280 --> 00:09:26,000
hindi pilayan ang mga kasama natin.

108
00:09:26,080 --> 00:09:27,320
Isa pa.

109
00:09:33,760 --> 00:09:36,400
Ang anino ng lobo ay kumakalat sa Europa.

110
00:09:36,920 --> 00:09:41,640
Kayo ang unang linya ng depensa
para sa komunidad ng Fairborn.

111
00:09:41,720 --> 00:09:45,120
Kaya dapat kilalanin niyo ang kaaway niyo.

112
00:09:45,760 --> 00:09:48,800
Mas mabilis ng sampung beses maghilom
ang mga Blood Witch.

113
00:09:48,880 --> 00:09:50,880
Siyam na milimetrong bala
ang gamit natin

114
00:09:50,960 --> 00:09:53,200
na nilagyan ng orasyon

115
00:09:53,280 --> 00:09:56,480
para labanan ang natural nilang
kapangyarihang panlunas.

116
00:09:56,560 --> 00:09:59,040
Itaas ang kamay,
sino'ng may kapangyarihang Elixir?

117
00:09:59,120 --> 00:10:02,600
Mahusay. Mas alam mo
kung ano'ng mayroon dito kaysa sa'kin.

118
00:10:03,160 --> 00:10:04,960
Ang masasabi ko,

119
00:10:05,040 --> 00:10:07,760
'pag tinamaan mo ang Blood,
malalaman nila 'to.

120
00:10:07,840 --> 00:10:09,600
Hindi sila superhuman.

121
00:10:09,680 --> 00:10:13,400
Marami na tayong napatay na gaya nila.
Marami pa tayong mapapatay.

122
00:10:15,320 --> 00:10:16,680
Mahiwagang bala.

123
00:10:17,200 --> 00:10:19,000
Walang tumatawag n'yan.

124
00:10:50,000 --> 00:10:53,360
Ano ba, pare. Masakit 'yun.

125
00:10:57,200 --> 00:11:00,480
May natural na daanan,
limang milyang takbo

126
00:11:00,560 --> 00:11:01,800
kung susundin mo ang daan.

127
00:11:01,880 --> 00:11:03,560
Oorasan kita.

128
00:11:51,360 --> 00:11:53,240
'Di masyadong mabilis.

129
00:11:56,800 --> 00:11:58,320
-Ulitin mo.
-Ano?

130
00:12:04,720 --> 00:12:05,640
Sige na.

131
00:12:20,240 --> 00:12:21,320
Nathan!

132
00:13:01,400 --> 00:13:03,560
<i>'Di ko alam</i>
<i>kung bakit 'di ka nila nilulubayan.</i>

133
00:13:04,680 --> 00:13:06,080
Paano kung tama sila?

134
00:13:07,080 --> 00:13:08,280
Paano kung ako ay…

135
00:13:09,880 --> 00:13:11,400
isang Blood Witch?

136
00:13:12,000 --> 00:13:15,320
Nathan. Baka isa kang Blood Witch.

137
00:13:16,160 --> 00:13:17,560
O pwedeng hindi.

138
00:13:18,720 --> 00:13:20,520
Ang 'di ikaw ay ang ama mo.

139
00:13:21,160 --> 00:13:23,600
Nu'ng sinubukan akong galitin
ng kapatid mo…

140
00:13:25,280 --> 00:13:26,800
gusto ko s'yang saktan.

141
00:13:27,600 --> 00:13:30,160
Gustong-gusto ko talagang saktan.

142
00:13:32,000 --> 00:13:33,040
Oo.

143
00:13:34,080 --> 00:13:35,120
Ganyan…

144
00:13:35,680 --> 00:13:37,960
Ganyan ang ibig sabihin ng ginagalit.

145
00:13:38,040 --> 00:13:40,680
Teka, nakapunta ka na sa bayan
'pag Biyernes ng gabi?

146
00:13:42,000 --> 00:13:45,400
Ang mga pagkapoot
ay 'di na bago sa mga Blood Witch.

147
00:13:46,040 --> 00:13:48,200
'Di na ito bago sa tatay mo at

148
00:13:49,160 --> 00:13:51,000
'di na bago sa'yo.

149
00:13:52,480 --> 00:13:56,440
Sa totoo lang,
'wag ka na maawa sa sarili mo.

150
00:13:56,960 --> 00:13:59,120
Pangit na katangian mo ito.

151
00:14:00,320 --> 00:14:02,480
Tingin mo may magaganda akong katangian?

152
00:14:03,480 --> 00:14:04,640
Manahimik ka.

153
00:14:30,000 --> 00:14:31,000
Kamusta, Ms. Byrne.

154
00:14:32,360 --> 00:14:34,720
-Hinahanap ko si Nathan.-
-Umalis s'ya, iha.

155
00:14:35,960 --> 00:14:36,920
Saan s'ya nagpunta?

156
00:14:37,000 --> 00:14:38,920
'Wag mo na 'tong alalahanin.

157
00:14:40,400 --> 00:14:41,480
Pero nag-aalala ako--

158
00:14:41,560 --> 00:14:44,040
Matalino kang babae, Annalise.

159
00:14:44,120 --> 00:14:45,680
'Wag ka nang babalik dito.

160
00:14:46,480 --> 00:14:48,160
Magpatuloy ka sa buhay mo.

161
00:15:07,480 --> 00:15:08,360
<i>Sige.</i>

162
00:15:11,240 --> 00:15:12,360
Hinga.

163
00:15:14,920 --> 00:15:16,160
<i>Focus.</i>

164
00:15:18,320 --> 00:15:19,520
Focus.

165
00:15:19,600 --> 00:15:21,320
'Wag mong itutok ang baril sa'kin.

166
00:15:38,920 --> 00:15:41,840
Bwisit, huminga ka, pakiusap.

167
00:15:48,360 --> 00:15:51,240
Jessica. Dapat galingan.

168
00:16:01,000 --> 00:16:04,080
Ilang linggo pang training,
baka tamaan mo na ang target.

169
00:16:04,840 --> 00:16:06,840
Sana 'di tayo sabay ipadala bago 'yun.

170
00:16:06,920 --> 00:16:09,080
Tinamaan ko ang target ng maraming beses.

171
00:16:09,160 --> 00:16:11,000
Itinakda tayong maging pinakamagaling

172
00:16:11,080 --> 00:16:13,080
kaya ang maraming beses ay 'di sapat.

173
00:16:13,720 --> 00:16:16,400
'Di ka tinuruan ng amain mo
kung paano ang tamang pagpatay?

174
00:16:17,280 --> 00:16:18,440
'Di ko s'ya nakilala.

175
00:16:18,520 --> 00:16:20,760
Ah, bata ka pa noon.

176
00:16:21,280 --> 00:16:23,000
Baka 'di mo lang matandaaan.

177
00:16:23,720 --> 00:16:27,200
Baka pinatulog ka n'ya bago ang nanay mo.

178
00:16:28,800 --> 00:16:30,520
Nagbabago ka ng anyo, 'di ba?

179
00:16:30,600 --> 00:16:34,120
Bakit 'di mo subukang mag-anyo
na isang hindi traydor.

180
00:16:42,160 --> 00:16:44,400
Okay, bwisit ka.

181
00:16:45,080 --> 00:16:46,120
Ano?

182
00:16:46,680 --> 00:16:48,560
Mukha na ba akong traydor ngayon?

183
00:16:49,600 --> 00:16:50,440
Tumigil ka.

184
00:16:50,520 --> 00:16:52,040
O, 'wag kang mahiya.

185
00:16:53,080 --> 00:16:54,920
Tingin ko ang ganda mo.

186
00:16:55,680 --> 00:16:58,520
Dapat kinikilig ang nobyo mo.
'Di ako makapaniwala--

187
00:16:58,600 --> 00:16:59,840
Sa swerte n'ya.

188
00:17:00,480 --> 00:17:03,320
Oo, malamang sumusubok s'ya
sa higit sa kaya n'ya.

189
00:17:06,320 --> 00:17:08,000
'Di nakapagtatakang bigo ka.

190
00:17:08,080 --> 00:17:08,960
Itigil mo 'yan.

191
00:17:09,040 --> 00:17:12,480
Sa susunod na mag-isa ka, mag-iisip ka na.

192
00:17:12,560 --> 00:17:14,240
"Paano kung 'di talaga s'ya 'yun?

193
00:17:14,320 --> 00:17:16,360
Paano kung bigla s'yang

194
00:17:18,200 --> 00:17:19,080
magbago?"

195
00:17:19,160 --> 00:17:20,160
Susmiyo.

196
00:17:23,240 --> 00:17:25,440
Gusto mong pag-usapan
ang isyu sa tatay mo?

197
00:17:26,920 --> 00:17:28,280
Pwede kitang bigyan ng isyu.

198
00:17:28,360 --> 00:17:29,800
Baliw ka na.

199
00:17:30,720 --> 00:17:34,200
May problema sa'yo. Bumalik ka na.

200
00:17:45,640 --> 00:17:47,720
Tinamaan ko ang target, madaming beses.

201
00:17:50,080 --> 00:17:51,840
At marami pa akong tatamaan.

202
00:18:06,240 --> 00:18:07,360
Bukas 'yan.

203
00:18:13,360 --> 00:18:17,840
Uy, gusto ko lang pumasok at masiguro na,
alam mo na, ayos ka lang.

204
00:18:18,440 --> 00:18:19,880
Ayos lang ako.

205
00:18:22,280 --> 00:18:26,000
'Yung insidente kay Hazel…

206
00:18:26,080 --> 00:18:28,520
S'ya ay… Masama ang loob n'ya.

207
00:18:29,560 --> 00:18:30,400
Kaya?

208
00:18:31,240 --> 00:18:34,280
Kaya baka pwede mo bang subukang
ayusin ang mga bagay-bagay

209
00:18:34,360 --> 00:18:35,840
para sa grupo?

210
00:18:36,520 --> 00:18:40,240
Kita mo naman, bukas ang pinto ko.
Malaya s'yang humingi ng tawad.

211
00:18:40,320 --> 00:18:42,240
Alam ko na may ibang ugali si Hazel.

212
00:18:42,320 --> 00:18:44,080
-Pero kasama 'yan ng--
-Kieran.

213
00:18:45,080 --> 00:18:48,680
Ang papa mo ay respetadong miyembro
ng komunidad ng Fairborn.

214
00:18:49,680 --> 00:18:52,920
Ang tito mo
ay lider ng Fairborn Council Task Force.

215
00:18:53,000 --> 00:18:55,320
Buong buhay mo ay pribilehiyo at ginhawa.

216
00:18:55,400 --> 00:18:57,800
Jess, nagsikap ako para makapasok dito.

217
00:18:58,800 --> 00:19:01,120
Ipinasa mo ang bleep test
para makapasok dito.

218
00:19:02,400 --> 00:19:03,960
Nagsumikap ako.

219
00:19:05,880 --> 00:19:07,280
Patay na ang tatay ko.

220
00:19:08,880 --> 00:19:12,720
Laging may dungis ang pangalan ko
dahil sa isang halimaw.

221
00:19:12,800 --> 00:19:14,920
Gagamitin nila 'yun para sirain ako.

222
00:19:15,000 --> 00:19:16,760
Ginagawa na nila 'yun buong buhay ko.

223
00:19:18,640 --> 00:19:22,760
Kaya pwede s'yang pumunta
at humingi ng tawad at baka hayaan ko na.

224
00:19:26,120 --> 00:19:28,240
'Di ako nagpapakita ng kahinaan, Kieran.

225
00:19:30,720 --> 00:19:32,760
Ang iba sa'tin
ay 'di ipinanganak na swerte.

226
00:19:34,640 --> 00:19:37,800
Sige, gusto ko lang pumunta
para masiguro na

227
00:19:38,520 --> 00:19:40,680
ayos ka lang
pero iiwan ko na sa'yo 'yan.

228
00:19:40,760 --> 00:19:43,880
'Di mo kailangang umalis
dahil lang pinagsabihan kita.

229
00:19:46,080 --> 00:19:47,280
Pwede kang manatili.

230
00:19:48,520 --> 00:19:49,480
Kung gusto mo.

231
00:20:18,080 --> 00:20:19,680
May gusto akong tawagan.

232
00:20:21,720 --> 00:20:22,560
Sino?

233
00:20:24,160 --> 00:20:25,400
Si Annalise.

234
00:20:27,640 --> 00:20:29,480
Walang signal ng telepono rito.

235
00:20:31,360 --> 00:20:34,360
Bakit 'di ka gumuhit sa sarili mo
ng larawan?

236
00:20:39,320 --> 00:20:41,280
-Ibalik mo 'yan.
-Hindi.

237
00:20:43,120 --> 00:20:44,920
Alam mo kung ano? Bwisit ka!

238
00:20:45,000 --> 00:20:47,840
Bwisit 'tong sabaw,
bwisit 'tong kubo, bwisit 'tong training!

239
00:20:47,920 --> 00:20:49,920
Gusto ko nang umuwi.

240
00:20:54,840 --> 00:20:56,080
Sige.

241
00:20:57,320 --> 00:20:58,760
Pwede ka nang umuwi.

242
00:21:01,640 --> 00:21:04,160
Ang kailangan mo lang gawin
ay kunin ang aklat na 'to.

243
00:21:11,320 --> 00:21:13,080
Bwisit!

244
00:21:21,400 --> 00:21:22,960
Iligpit mo ang kalat mo.

245
00:21:23,800 --> 00:21:25,120
<i>Tumatakbo ka sa daan.</i>

246
00:21:37,360 --> 00:21:38,640
Takbuhin mo uli.

247
00:21:41,960 --> 00:21:44,400
Takbuhin mo uli.

248
00:22:11,600 --> 00:22:12,960
<i>Ikaw si Nathan Byrne.</i>

249
00:22:13,640 --> 00:22:15,280
<i>'Di kita dapat kinakausap</i>

250
00:22:16,320 --> 00:22:17,600
pero mukhang ayos ka naman…

251
00:22:19,200 --> 00:22:20,240
kahit na gano'n.

252
00:22:56,400 --> 00:22:58,160
Alam mo, kamukha mo s'ya.

253
00:23:05,400 --> 00:23:06,640
Bjorn, ano'ng nangyayari?

254
00:23:06,720 --> 00:23:09,240
Nakatanggap kami ng tawag
sa miyembro sa Wales.

255
00:23:09,320 --> 00:23:12,000
Baka mga Blood. Pwedeng si Marcus din.

256
00:23:12,080 --> 00:23:14,480
-Wala bang mga nakadestino sa Wales?
-Mayroon.

257
00:23:14,560 --> 00:23:15,840
Bakit tayo pupunta?

258
00:23:15,920 --> 00:23:19,360
Dahil nag-imbestiga ang tao natin,
'di na sila mahagilap ngayon.

259
00:23:19,440 --> 00:23:21,520
-Bakit 'di natin tawagan?
-Pasok ka sa truck.

260
00:23:21,600 --> 00:23:23,320
Tara na!

261
00:23:23,400 --> 00:23:25,000
Paalis na tayo!

262
00:23:53,640 --> 00:23:55,680
<i>Manatili sa posisyon</i>
<i>hanggang maabisuhan.</i>

263
00:23:55,760 --> 00:23:56,600
Sige.

264
00:23:59,760 --> 00:24:02,400
Tara. Bilis. Posisyon, ngayon na.

265
00:24:08,840 --> 00:24:10,200
Sandali lang.

266
00:24:13,200 --> 00:24:15,280
Tara.

267
00:24:43,960 --> 00:24:46,680
Tulong! Tulungan n'yo 'ko!

268
00:24:49,160 --> 00:24:50,520
'Wag n'yong hawakan.

269
00:24:55,960 --> 00:24:57,280
Diyos ko, susmiyo.

270
00:25:07,000 --> 00:25:11,320
Mabilis umepekto ang sumpa ng suffocation.
Nandito pa sila.

271
00:25:15,880 --> 00:25:16,920
Teka!

272
00:25:30,120 --> 00:25:32,040
O, lintik.

273
00:25:32,560 --> 00:25:34,600
Mukhang nahanap natin ang unang grupo.

274
00:25:38,600 --> 00:25:41,720
Team Leader ito,
pahingi ng mga backup unit dito.

275
00:25:42,280 --> 00:25:44,240
Kailanganin din ng mga tagalinis.

276
00:25:44,320 --> 00:25:47,240
-Paano ang mga bangkay?
-Susunugin nila ang bahay.

277
00:25:47,320 --> 00:25:49,320
Pwera lang
kung maipapaliwanag mo ang sampu

278
00:25:49,400 --> 00:25:51,600
at babaeng walang bibig sa mga fains.

279
00:25:51,680 --> 00:25:53,200
May nakita kang kahit ano?

280
00:26:37,520 --> 00:26:38,680
Nagpunta sila rito.

281
00:26:38,760 --> 00:26:42,600
Annalise. Sa ika-17 na kaarawan mo,

282
00:26:42,680 --> 00:26:44,720
ibibigay ko ang una mong regalo.

283
00:26:44,800 --> 00:26:45,680
Salamat.

284
00:26:51,480 --> 00:26:53,600
Heto ang ikalawang regalo.

285
00:26:57,320 --> 00:26:59,200
Heto ang ikatlong regalo.

286
00:26:59,280 --> 00:27:01,040
Sa tatay ko ito.

287
00:27:01,960 --> 00:27:03,120
Tapos, naging sa'kin.

288
00:27:03,200 --> 00:27:04,520
Ngayon, sa'yo na.

289
00:27:05,720 --> 00:27:08,200
'Pag nagtanong ang kapatid mo,
nakuha ko sa eBay.

290
00:27:08,280 --> 00:27:09,440
Salamat. Ang ganda.

291
00:27:09,520 --> 00:27:10,440
Tama.

292
00:27:12,240 --> 00:27:13,200
Handa ka na?

293
00:27:25,920 --> 00:27:27,080
At ngayon,

294
00:27:27,600 --> 00:27:29,840
dugo ng pamilya mo
ang dumadaloy sa'yo.

295
00:27:30,360 --> 00:27:33,080
Tanggapin mo ito at maging kumpleto.

296
00:27:37,080 --> 00:27:40,200
-Magaling.
-Salamat, Pa.

297
00:27:44,480 --> 00:27:48,160
Noong seremonya ng pagbibigay ko,
inggit na inggit ang papa mo

298
00:27:48,240 --> 00:27:52,240
na sinubukan n'yang putulin
ang daliri n'ya nang mag-isa.

299
00:27:52,320 --> 00:27:55,480
Ipinadala na natin ang lahat
bilang backup.

300
00:27:55,560 --> 00:27:58,920
Paano nila nagawang patayin
ang isang buong pulutong?

301
00:28:03,320 --> 00:28:05,240
Isang pulutong ng hunters.

302
00:28:05,320 --> 00:28:06,160
'Di ko alam.

303
00:28:06,240 --> 00:28:07,280
Kasama kaya s'ya nila?

304
00:28:08,120 --> 00:28:09,120
Si Marcus?

305
00:28:10,760 --> 00:28:11,880
Malabong mangyari.

306
00:28:12,880 --> 00:28:14,920
Ibig kong sabihin, 'di naman parang isa--

307
00:28:15,000 --> 00:28:16,880
'Di naman parang isa s'ya sa The Ten.

308
00:28:19,760 --> 00:28:21,400
Dapat The Twelve.

309
00:28:22,080 --> 00:28:25,160
Ginugol n'ya ang dalawang dekadang
hinahanap ang The Ten.

310
00:28:25,240 --> 00:28:27,080
Ano'ng gagawin n'ya 'pag nalaman n'ya

311
00:28:27,160 --> 00:28:29,760
na tayong dalawa ang nag-utos?

312
00:28:29,840 --> 00:28:31,400
Ligtas kayong dalawa.

313
00:28:31,920 --> 00:28:34,160
Mamamatay ang pagkakakilanlan n'yo
kasama ko.

314
00:28:34,760 --> 00:28:36,560
'Pag dumating ang araw.

315
00:28:39,480 --> 00:28:43,560
Buweno, ano pa man,
duda akong nandu'n s'ya.

316
00:28:44,240 --> 00:28:46,600
Nasa dibdib pa rin n'ya ang puso n'ya
kung tutuusin.

317
00:28:46,680 --> 00:28:49,920
Ibig kong sabihin,
kitang-kita na, 'yun pa lang.

318
00:28:50,440 --> 00:28:53,360
Uy, Papa, gusto ni Mama
na hiwain natin ang cake.

319
00:28:53,440 --> 00:28:55,360
Ah. Oo, syempre.

320
00:28:55,440 --> 00:28:57,480
Magandang seremonya, Annalise.

321
00:28:58,000 --> 00:29:01,920
Soul, ang anak mo talaga
ay kabigha-bighani.

322
00:29:39,240 --> 00:29:41,720
Para saan 'to?
'Di ko s'ya matatalo sa bugbugan

323
00:29:41,800 --> 00:29:43,360
kaya ano'ng punto nito?

324
00:29:45,320 --> 00:29:47,560
Noong nakaraang buwan,
'di mo kayang gawin 'yan.

325
00:29:49,600 --> 00:29:52,680
Isipin mo ang pwede mong magawa
sa susunod na buwan.

326
00:30:00,320 --> 00:30:01,480
<i>Uy, Beef.</i>

327
00:30:02,040 --> 00:30:03,720
<i>Araw ng Pagbibigay ngayon.</i>

328
00:30:04,400 --> 00:30:06,240
Ano kaya ang magiging kapangyarihan ko?

329
00:30:09,680 --> 00:30:12,080
Baka mapagsalita ko ang mga hayop.

330
00:30:20,640 --> 00:30:22,880
Magsalita ka.

331
00:30:25,400 --> 00:30:26,640
Sige,

332
00:30:27,560 --> 00:30:28,720
gumanyan ka.

333
00:30:29,760 --> 00:30:32,000
Malakas, tahimik na tipo.

334
00:30:38,160 --> 00:30:39,880
Naisip ko baka naisulat n'ya.

335
00:30:41,840 --> 00:30:43,520
Dahil kaarawan ko naman.

336
00:30:44,760 --> 00:30:46,320
'Di naman n'ya ikakamatay, 'no?

337
00:30:47,720 --> 00:30:52,040
Isang simpleng sulat, para mangamusta.

338
00:30:55,320 --> 00:30:56,760
"Buhay pa ako."

339
00:30:59,200 --> 00:31:00,560
Magsalita ka.

340
00:31:03,120 --> 00:31:06,200
Sige. Oo, hindi mo ito gagawin.

341
00:31:08,360 --> 00:31:09,600
Magkita tayo mamaya.

342
00:31:22,840 --> 00:31:24,560
Annalise, ikaw na.

343
00:31:32,240 --> 00:31:33,920
O! Isa!

344
00:31:35,000 --> 00:31:36,600
May dala ako para sa'yo.

345
00:31:37,360 --> 00:31:38,960
Tuta ito.

346
00:31:39,680 --> 00:31:40,760
Ayos.

347
00:31:41,680 --> 00:31:43,240
Sana buhay pa s'ya.

348
00:31:43,320 --> 00:31:47,120
Tama. Baka gusto mong
butasan ito o parang gano'n.

349
00:31:48,040 --> 00:31:50,840
-Dahil lagi mo--
-Laging binabasag ang phone ko.

350
00:31:54,400 --> 00:31:55,760
Nandito ka.

351
00:31:55,840 --> 00:31:58,720
Gusto kong makasiguro
na naalala mo ako.

352
00:32:00,160 --> 00:32:01,320
Salamat.

353
00:32:02,160 --> 00:32:03,000
Talaga.

354
00:32:03,680 --> 00:32:05,840
Alam mo, striking ang kagandahan mo.

355
00:32:07,000 --> 00:32:08,560
Biro sa bowling 'yan.

356
00:32:10,080 --> 00:32:11,480
Salamat.

357
00:32:11,560 --> 00:32:14,040
Napakabigat ng mga balls mo.

358
00:32:15,760 --> 00:32:19,400
Biruan din sa bowling 'yun.
'Yun na ang pinakamahusay na naisip ko.

359
00:32:19,480 --> 00:32:20,920
-Ano lang--
-Nakakailang 'yun.

360
00:32:42,040 --> 00:32:45,000
Ang saya nu'n.
'Di ka talaga magaling sa bowling.

361
00:32:45,080 --> 00:32:48,200
Tumahimik ka!
'Di ko 'yun nagawa ng walang…

362
00:32:48,280 --> 00:32:51,000
Diyos ko, ano'ng tawag du'n?
Mga sausage sa gilid.

363
00:32:51,080 --> 00:32:52,680
Mga gutter guards.

364
00:32:52,760 --> 00:32:56,440
Sige, tayong mga propesyunal na bowlers,
gusto silang tawaging sausage, okay.

365
00:32:56,520 --> 00:32:58,440
Iniisip ko, alam mo,

366
00:32:59,440 --> 00:33:03,160
kung ano'ng nangyari
nu'ng huling nasa kotseng ito tayo.

367
00:33:04,280 --> 00:33:07,480
Oo. Naaalala ko.

368
00:33:07,560 --> 00:33:08,960
Ang saya.

369
00:33:09,040 --> 00:33:11,200
Ulitin natin.

370
00:33:11,280 --> 00:33:13,440
Oo, maganda ito.

371
00:33:15,760 --> 00:33:16,600
Pero?

372
00:33:19,160 --> 00:33:21,120
Hindi ko alam. Ako…

373
00:33:22,080 --> 00:33:25,640
'Di ko talaga alam ang gusto ko ngayon.

374
00:33:28,320 --> 00:33:31,600
Parang alam mo naman
nu'ng magkasama tayo.

375
00:33:32,720 --> 00:33:33,720
Pasensya na.

376
00:33:43,400 --> 00:33:44,240
David.

377
00:33:49,320 --> 00:33:52,080
David!

378
00:33:57,160 --> 00:33:58,480
Ano'ng ginagawa mo?

379
00:34:00,440 --> 00:34:01,720
Itigil mo!

380
00:34:22,920 --> 00:34:24,080
Dito nagtatapos ang daan.

381
00:34:25,560 --> 00:34:27,080
Apat na koponan, isara ang lugar.

382
00:34:27,160 --> 00:34:29,960
Unang koponan kay Jessica.
Pangatlong koponan kay Kieran.

383
00:34:30,040 --> 00:34:33,600
Pang-apat kay Flo. Pangalawa, sa akin.

384
00:34:34,600 --> 00:34:36,040
Walang makakaalis.

385
00:34:37,760 --> 00:34:39,920
Tara.

386
00:35:59,200 --> 00:36:01,000
Huli na akong nakarating dito.

387
00:36:14,760 --> 00:36:16,040
Annalise.

388
00:36:17,800 --> 00:36:19,440
O, ang ulo ko.

389
00:36:20,960 --> 00:36:22,520
Naaksidente ka sa kotse.

390
00:36:23,960 --> 00:36:24,880
Nasaan si David?

391
00:36:24,960 --> 00:36:26,240
Nasa pasilyo s'ya.

392
00:36:26,760 --> 00:36:28,240
Matindi ang pinsala n'ya.

393
00:36:28,320 --> 00:36:31,120
-Magiging ayos ba s'ya?
-Magiging maayos s'ya.

394
00:36:31,760 --> 00:36:33,920
May naaalala ka ba sa nangyari?

395
00:36:34,840 --> 00:36:36,240
Itigil mo ito!

396
00:36:37,480 --> 00:36:38,720
Wala talaga.

397
00:36:38,800 --> 00:36:41,880
Ang pinakamahalaga ay maayos ka.

398
00:36:42,520 --> 00:36:44,440
Kailangan ko nang umalis.

399
00:36:44,520 --> 00:36:49,160
Magdadala ako mamaya ng mga magazine
at 'di masarap na tsokolateng gusto mo.

400
00:36:51,360 --> 00:36:52,560
Magkita tayo mamaya.

401
00:36:54,560 --> 00:36:55,800
Sir, nakuha namin sila.

402
00:36:55,880 --> 00:36:57,880
Mahusay. Magaling na trabaho.

403
00:36:58,400 --> 00:37:02,000
<i>May mga casualties tayo.</i>
<i>Isa sa mga bagong salta.</i>

404
00:37:02,560 --> 00:37:03,560
'Di si Jessica?

405
00:37:04,480 --> 00:37:07,200
Hindi. Si Kadete Hazel Clark.

406
00:37:07,280 --> 00:37:11,960
Sige. Pupuntahan ko si Reutger,
personal na sasabihin ang mabuting balita.

407
00:37:12,480 --> 00:37:13,760
Magaling.

408
00:38:37,840 --> 00:38:38,880
Aoife.

409
00:38:38,960 --> 00:38:40,240
Nagpunta agad ako…

410
00:38:42,360 --> 00:38:43,360
Si Marcus ito.

411
00:38:44,000 --> 00:38:45,360
Nasaan ang mga gwardya?

412
00:38:46,360 --> 00:38:49,080
Natagpuan namin
ang mga piraso nila sa hardin.

413
00:38:49,160 --> 00:38:50,880
May kaguluhan sa Wales.

414
00:38:50,960 --> 00:38:53,640
Ipinadala namin ang karamihan
sa lokal na proteksyon doon.

415
00:38:53,720 --> 00:38:57,160
-Tingin mo isa 'tong dibersyon?
-Kung ito nga, umubra ito.

416
00:38:58,200 --> 00:38:59,600
Ang huli sa The Ten.

417
00:39:01,240 --> 00:39:02,480
Ligtas ba tayo?

418
00:39:06,480 --> 00:39:08,400
Pito sa daliri n'ya ay bali.

419
00:39:08,480 --> 00:39:09,520
Ano'ng ibig sabihin?

420
00:39:09,600 --> 00:39:12,640
Ibig sabihin, ganu'n katagal
bago n'ya tayo isiniwalat.

421
00:39:12,720 --> 00:39:14,640
-Umalis na tayo dapat.
-'Di ako aalis.

422
00:39:14,720 --> 00:39:17,280
Ang kapangyarihan ko, iluminasyon.
Ikaw, maghalaman.

423
00:39:17,360 --> 00:39:20,440
Kung ang pinuno ng council ay 'di ligtas,
ano'ng tsansa natin?

424
00:39:24,200 --> 00:39:28,040
'Di tayo ganu'n kahina gaya ng iniisip mo.

425
00:39:31,680 --> 00:39:32,760
May mga paraan.

426
00:39:35,040 --> 00:39:36,040
Anong mga paraan?

427
00:39:39,200 --> 00:39:41,880
'Di, ito ay… Pasensya na, umalis ka na.

428
00:39:42,880 --> 00:39:44,720
'Di na ito ligtas para sa'yo.

429
00:39:46,720 --> 00:39:49,120
Isang pagkakamali
at habambuhay tayong nangangamba.

430
00:39:49,200 --> 00:39:50,560
Sumusunod lang tayo sa utos.

431
00:39:50,640 --> 00:39:52,400
Kaya sinusundan na nila tayo ngayon.

432
00:40:01,600 --> 00:40:04,040
SARILI N'YANG DUGO ANG PAPATAY SA LOBO.

433
00:40:04,120 --> 00:40:06,600
"Sarili n'yang dugo ang papatay sa lobo."

434
00:40:08,440 --> 00:40:09,560
Ang binata.

435
00:40:10,480 --> 00:40:13,120
Kung alam na ni Marcus
ang propesiya ngayon…

436
00:40:15,160 --> 00:40:16,800
tutugisin n'ya rin s'ya.

437
00:40:39,000 --> 00:40:40,120
Ano'ng nangyayari?

438
00:40:40,200 --> 00:40:42,040
Patay na si Reutger Sillwood.

439
00:40:42,120 --> 00:40:45,080
-Ang tatay mo 'yun.
-Ano'ng ginagawa nila rito?

440
00:40:45,160 --> 00:40:47,440
Inutusan kaming proteksyunan ka.

441
00:40:47,520 --> 00:40:49,920
May pag-aalala
na pwedeng maniwala ang tatay mo

442
00:40:50,000 --> 00:40:51,360
na panganib ka sa kanya.

443
00:40:52,120 --> 00:40:54,080
Baka pumunta s'ya rito para hanapin ka.

444
00:40:55,160 --> 00:40:57,000
Kumusta ang pagsasanay, bata?

445
00:40:57,080 --> 00:40:59,280
Ayos lang. Gusto mong mabugbog?

446
00:41:01,840 --> 00:41:03,160
Sige, masaya 'to.

447
00:41:12,360 --> 00:41:14,840
Pangit sa'kin
'pag ang bilis mong natatalo.

448
00:41:14,920 --> 00:41:17,040
Baka dapat sanayin mo 'ko
nang mas mahusay.

449
00:41:22,560 --> 00:41:24,560
Tingin mo papunta na ang tatay ko rito?

450
00:41:24,640 --> 00:41:27,000
Wala akong alam sa ginagawa ng ama mo.

451
00:41:27,480 --> 00:41:31,360
-Baka pumunta s'ya para iligtas ako.
-'Di s'ya pupunta para iligtas ka.

452
00:41:34,760 --> 00:41:36,520
May natutunan kang bagong recipe?

453
00:41:36,600 --> 00:41:38,000
'Pag walang ginagawa.

454
00:41:38,080 --> 00:41:41,200
Akala ko inuubos mo ang oras mo
sa pagbugbog sa'kin. Kubyertos?

455
00:41:41,680 --> 00:41:44,640
'Yang mga araw na 'yan.
Mga gabing wala akong magawa.

456
00:41:44,720 --> 00:41:46,520
-Matulog ka.
-'Di ako natutulog.

457
00:41:46,600 --> 00:41:47,480
Bakit hindi?

458
00:41:48,080 --> 00:41:49,240
Masasamang panaginip.

459
00:41:50,720 --> 00:41:54,160
Siguro dapat kang makinig
sa tunog ng balyena o mga gano'n.

460
00:41:54,640 --> 00:41:56,200
Salamat sa payo.

461
00:42:04,240 --> 00:42:05,920
Sabi mo, kamukha ko s'ya.

462
00:42:07,800 --> 00:42:08,800
Ano?

463
00:42:11,200 --> 00:42:12,240
Ang tatay ko.

464
00:42:14,120 --> 00:42:16,280
Sabi mo, kamukha ko s'ya.

465
00:42:17,280 --> 00:42:18,960
Nakita mo na pala s'ya dati.

466
00:42:24,560 --> 00:42:25,680
Nu'ng 11 ako.

467
00:42:26,280 --> 00:42:29,040
Parehong nagtrabaho ang mga magulang ko
sa Fairborn Council.

468
00:42:30,760 --> 00:42:33,160
Ipinatawag sila
sa napakahalagang pagpupulong.

469
00:42:34,520 --> 00:42:36,000
Para pag-usapan ang kapayapaan.

470
00:42:37,280 --> 00:42:38,680
Ang masaker.

471
00:42:41,360 --> 00:42:43,440
Nasabik silang isama ako.

472
00:42:45,680 --> 00:42:48,000
Masasaksihan ko raw ang kasaysayan.

473
00:42:49,840 --> 00:42:51,960
Hindi sila nagkamali.

474
00:42:53,440 --> 00:42:55,920
Lumang bahay iyon
na tinatawag na Wolfhagen

475
00:42:56,880 --> 00:42:58,120
sa Alemanya.

476
00:42:59,600 --> 00:43:01,600
Neutral na teritoryo.

477
00:43:03,040 --> 00:43:04,640
Kinarga ako ng mama ko.

478
00:43:06,240 --> 00:43:09,000
Pinaupo n'ya ako sa upuan
sa likod ng bulwagan

479
00:43:09,080 --> 00:43:12,000
at sinabihan akong tumahimik.

480
00:43:17,080 --> 00:43:18,640
Naalala kong pumasok s'ya.

481
00:43:21,280 --> 00:43:23,720
Kung paano s'ya tumingin sa lahat.

482
00:43:25,000 --> 00:43:26,560
At ngumiti.

483
00:43:30,000 --> 00:43:31,800
At saka s'ya lumingon.

484
00:43:33,480 --> 00:43:35,240
Naging lobo s'ya.

485
00:43:36,480 --> 00:43:38,240
Pinatay ang bawat isa sa kanila.

486
00:43:40,000 --> 00:43:41,480
Ano'ng ginawa mo?

487
00:43:50,920 --> 00:43:52,080
Nagtago ako.

488
00:43:55,600 --> 00:43:57,280
Dahil bata lang ako.

489
00:44:00,680 --> 00:44:02,280
At natakot ako.

490
00:44:04,840 --> 00:44:06,040
E, ngayon?

491
00:44:09,320 --> 00:44:10,720
Takot ka pa rin ba?

492
00:45:01,880 --> 00:45:03,720
Ano'ng mga kahinaan mo?

493
00:45:07,280 --> 00:45:11,280
Pagod ka na. Mabagal ka.
Hindi ka nagko-concentrate.

494
00:45:11,360 --> 00:45:13,160
Ano'ng mga kahinaan ko?

495
00:45:14,800 --> 00:45:16,360
Minamaliit ako.

496
00:45:25,840 --> 00:45:28,480
Nako-kontrol ng ama mo ang bato at tubig.

497
00:45:28,560 --> 00:45:31,280
Nagagawang baguhin ang anyo
ng ibang nilalang.

498
00:45:31,360 --> 00:45:34,200
Kayang dagdagan ang laki at bilis niya.

499
00:45:35,080 --> 00:45:37,720
Nahihilom ang sugat.
Kontrolin ang panahon.

500
00:45:38,480 --> 00:45:39,920
<i>Kaya n'yang gumawa ng gayuma.</i>

501
00:45:40,000 --> 00:45:42,400
<i>Kayang manipulahin ang init at lamig.</i>

502
00:45:43,600 --> 00:45:46,800
<i>Kayang kunin ang kapangyarihan</i>
<i>ng sinumang mangkukulam sa mundo.</i>

503
00:45:46,880 --> 00:45:50,640
<i>'Yun ang pinakadakilang regalo</i>
<i>at sandata n'ya laban sa'tin.</i>

504
00:45:51,680 --> 00:45:55,160
<i>Mas marami sa'ting napapatay n'ya,</i>
<i>lalo n'yang ikinalalakas.</i>

505
00:46:11,840 --> 00:46:14,280
Pupunta ako sa opisina.
Dito ka at bantayan sila.

506
00:46:14,360 --> 00:46:15,280
Opo, sir.

507
00:47:06,280 --> 00:47:07,600
Kamusta, Soul.

508
00:47:08,320 --> 00:47:09,560
Kamusta, Rowan.

509
00:47:12,480 --> 00:47:15,280
'Di ko naintindihan
ang isang kayang patubuin ang anuman

510
00:47:15,360 --> 00:47:19,000
sa dampi ng daliri
ay gumugugol ng matagal sa paghahalaman.

511
00:47:19,080 --> 00:47:21,120
Makalumang paraan, kapatid.

512
00:47:25,960 --> 00:47:27,480
Narinig ko ang nangyari.

513
00:47:29,000 --> 00:47:30,880
Grabeng trahedya.

514
00:47:32,640 --> 00:47:33,800
Si Marcus 'yun.

515
00:47:33,880 --> 00:47:37,360
Oo. Malaking krus ng dugo.

516
00:47:37,440 --> 00:47:39,440
Natanggal ang puso sa dibdib.

517
00:47:39,920 --> 00:47:41,600
Mayroon s'yang pamamaraan.

518
00:47:45,080 --> 00:47:46,680
Tinutugis ka niya, 'di ba?

519
00:47:50,600 --> 00:47:52,080
Ano ang gagawin mo?

520
00:47:52,160 --> 00:47:53,440
Lalaban ako.

521
00:47:58,440 --> 00:48:02,440
Alam mo, gusto ko
ang kapangyarihan ng pamilya natin,

522
00:48:02,520 --> 00:48:06,600
pero kahit ako,
tanggap ko ang kahinaan nito

523
00:48:06,680 --> 00:48:08,280
pagdating sa labanan.

524
00:48:09,200 --> 00:48:11,520
Lalo sa gaya ni Marcus Edge.

525
00:48:16,080 --> 00:48:18,920
Naaalala mo
ang isang aklat ng tatay natin?

526
00:48:20,080 --> 00:48:23,280
Nahanap mo 'to minsan
nu'ng naglalaro tayo sa silid-aralan n'ya.

527
00:48:24,120 --> 00:48:26,840
May balot ito na leather na may simbolo.

528
00:48:29,720 --> 00:48:30,920
Naaalala ko.

529
00:48:33,320 --> 00:48:36,200
At naalala kong pinalo n'ya tayong dalawa
nang tingnan 'to.

530
00:48:36,280 --> 00:48:37,400
Oo nga.

531
00:48:43,880 --> 00:48:45,000
Itinago ko ito.

532
00:48:46,160 --> 00:48:47,400
Nung namatay s'ya.

533
00:48:51,120 --> 00:48:52,360
Nasa akin pa rin 'to.

534
00:48:52,440 --> 00:48:54,160
Wala na ang lumang mahika na 'yon.

535
00:48:55,120 --> 00:48:57,160
Dapat 'yong manatiling patay.

536
00:49:02,720 --> 00:49:04,800
Sana lang may pagpipilian ako.

537
00:49:15,000 --> 00:49:16,200
Patawad.

538
00:49:18,480 --> 00:49:19,680
Patawad.

539
00:49:28,160 --> 00:49:29,480
Patawad.

540
00:50:56,240 --> 00:50:57,600
Ano 'yun?

541
00:50:58,800 --> 00:50:59,840
Wala.

542
00:51:01,480 --> 00:51:04,240
Pinakamabilis na oras. Gawin mo ulit.

543
00:51:58,400 --> 00:52:02,760
Ang pagsasalin ng subtitle ay ginawa ni:
Redelyn Teodoro Juan

